Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,002 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Martes ng gabi (October 6), 5,053 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 683 o 13.52 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 4,321 o 85.51 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 49 naman ang mga residenteng nasawi o 0.97 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES