Baguio, mayroon ng 645 na COVID-19 recoveries

Umabot sa 11 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 6), umabot na sa 1,233 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 572 ang aktibo pang kaso.

24 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 645 na ang total recoveries sa Baguio City habang 16 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 3,439 ang aktibo habang 3,099 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 11,270 na residente habang 19,087 ang nakatapos na.

Read more...