Halos 100 residente sa Central Visayas, nakarekober na sa COVID-19

Nagkaroon pa ng 46 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 6, 21,234 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,188 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 95 ang bagong gumaling kung kaya 18,753 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,293 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...