Full Cabinet meeting, ipatatawag ni Pangulong Duterte sa Oct. 12

Isang full Cabinet meeting ang ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa October 12.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay para talakayin ang pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Roque, tatalakayin din sa pagpupulong ang pagbubukas ng transportasyon.

Una rito, iprinisinta ni NEDA Secretary Karl Chua na tumaas ang bilang ng mga nagugutom at naghihirap sa bansa dahil sa pagbagsak ng ekonomiya dahil sa COVID-19.

Read more...