Tatlong chairperson ng komite sa Kamara, sinibak

Nagkaroon na naman ng rigodon sa liderato ng Kamara.

Sa sesyon ng mga kongresista, inalis bilang Chairman ng Committee on Health si Quezon Rep. Angelina Tan at pinalitan ni Guimaras Rep. Ma. Lucille Nava.

Inalis na rin bilang Chairman ng Committee on Economic Affairs si AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin na pinalitan naman ni Aklan Rep. Teodorico Haresco.

Tinanggal na rin na Chairman ng Committee on Youth and Sports si Valenzuela Rep. Eric Martinez na pinalitan naman ni Manila Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto.

Ginawa ang balasahan sa House leadership sa gitna pa rin ng mainit na usapin at isyu ng term-sharing agreement sa Speakership.

Read more...