Rep. Velasco, humingi ng permiso kay Pangulong Duterte na tumakbong Speaker ng Kamara

Humingi ng permiso si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong Speaker ng Kamara.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang naging laman ng pag-uusap ng dalawa nang humingi ng permiso si Velasco na makausap ang Pangulo sa Malakanyang, Lunes ng gabi (October 5).

Ayon kay Roque, sinabihan ng Pangulo si Velasco na karaptan niyang gawin ito base sa kasunduan nila ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa naunang kasunduan, uupo bilang Speaker si Cayentano ng 15 buwan habang ang natitirang termino ay ipapasa kay Velasco.

“Humingi po ng permiso si Congressman Lord Allan para tumakbo bilang Speaker at ang sagot po ng Presidente, ‘Karapatan mo yan, sang-ayon sa kasunduan ninyo ni kay Speaker Alan Cayetano.’ Ang alam ko po, si Congressman Allan Velasco ang humingi ng meeting at napagbigyan po siya kagabi. Ito po ay matapos nakipagpulong ang Presidente sa ilang myembro ng gabinete at matapos po yung kanyang Ulat sa Bayan. Nagsimula po yan halos 10:00 ng gabi,” pahayag ni Roque

Sinabi pa ni Roque na ayaw na niyang dagdagan pa ang sinabi ng Pangulo.

“Ayaw ko na pong mag-annotate. Yan lang po ang pinasabi sa akin sa taumbayan. I think people can make their own conclusions. Ang hirap po dito, inaakusahan na nga ako ni Congressman Leachon na mini-misquote ko ang Presidente. Hindi po. Kung ano lang sinabi ng Presidente, yun lang ang aking inuulit. Kaya I will refrain from annotating what has been said,” pahayag ni Roque.

Read more...