Panukalang P4.5-T 2021 budget, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara; Session break ng mga kongresista, napaaga

Maagang tinapos ng Kamara ng kanilang sesyon upang bigyang daan ang kanilang Undas break.

Ito ay kasunod ng ginawang pag-apruba ng mga kongresista sa ikalawang pagbasa sa panukalang P4.5-trillion 2021 proposed national budget.

Sa kanyang privilege speech kaugnay sa laban sa Speakership post, nagmosyon si House Speaker Alan Peter Cayetano para sa pagpapatibay sa House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Act.

Sinabi ni Cayetano na ang mosyon na aprubahan sa 2nd reading ang pambansang pondo upang patunayan sa mahigpit nitong kalaban sa pagka-Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na hindi niya hino-hostage ang budget.

Binibigyan naman ang mga kongresista nang hanggang November 5 para isumite ang kanilang mga amendments sa pambansang pondo.

Magbabalik naman ang sesyon ng Kamara sa November 16.

Read more...