Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (October 6), umabot na sa 326,833 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 47,655 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,093 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.5 porsyento ang asymptomatic; 1.6 porsyento ang severe habang 3.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 25 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,865 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 209 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 273,313 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.