Ayon kay Cayetano hindi niya pinagbawalan nila ang mga kongresista na dumalo sa mga pagdinig sa plenaryo at tanging mga kaalyado lamang ang pinapayagang pumunta ‘physically’ sa Mababang Kapulungan.
Paliwanag ni Cayetano, totoo namang pinagbawal ang pagpunta ng maraming kongresista sa Kamara upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 kaya naman nag-set up sila ng mga zoom hearings pero walang katotohanan na pinipigilan ang mga mambabatas na magtungo sa Batasan Complex.
Hindi rin aniya totoo na 60% ng Metro Manila budget ay napunta sa Taguig.
Kung tutuusin aniya ang karamihan sa top 10 na distrito na nabigyan ng malaking alokasyon sa 2021 budget ay hindi close sa kanya at hindi kaalyado.