Ilang lalawigan sa Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:38 ng umaga ngayong Martes (Oct. 6), katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Bulacan at Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Maari ding makaranas ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...