US President Donald Trump nakalabas na ng Ospital

Nakalabas na ng Walter Reed Medical Center si US President Donald Trump tatlong araw matapos siyang ma-admit doon nang magpositibo sa COVID-19.

Unang inanunsyo ni Trump sa kaniyang official twitter account na alas 6:30 siya lalabas ng ospital.

Mabuti na aniya ang pakiramdam niya at sinabi nitong hindi dapat matakot sa COVID-19 ang publiko.

Pasado alas 6:30 ng umaga (oras sa Pilipinas) ganap nang nakalabas ng ospital si Trump.

Sinabi din ni Trump na agad siyang babalik sa Campaign Trails sa lalong madaling panahon.

Pansamantala ay babalik muna sa White House si Trump para ipagpatuloy ang treatment.

 

 

 

Read more...