PAL magbabawas ng 35% ng kanilang workforce bago matapos ang taon

Kinumpirma ng Philippine Airlines (PAL) na magbabawas ito ng hanggang 35 percent ng kanilang workforce bago matapos ang taon.

Ayon sa PAL, ang pagbabawas ng mga empleyado sa ilalim ng voluntary at involuntary measures ay ipatutupad sa huling quarter ng taon.

Tiniyak ng PAL sa inilabas na pahayag na magiging patas sila at susunod sa legal requirements sa pagpapatupad ng layoff.

Tinatayang aabot sa 2,700 na empleyado ang maaapektuhan ng hakbang na ito ng PAL.

 

 

Read more...