Beep Cards dapat gawing libre ayon kay Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Transportation Sec. Arthur Tugade na gawing libre ang beep card para sa commuters.

Nagtataka ang pangulo kung bakit kailangan pang pabayaran ang beep card, gayong bilyun-bilyon aniya ang nasasayang na pera dahil sa korapsyon.

Sinabi ng pangulo na kakausapin niya si Tugade hinggil dito.

Dapat aniyang libre nang ibigay ang beep card dahil magbabayad naman ang mga pasahero para sa load nito.

Magugunitang nanawagan ang DOTr sa provider na AF Payments na gawing libre na ang beep card pero tumanggi ang kumpanya.

 

 

 

Read more...