Dagdag presyo sa gasolina at kerosene epektibo na ngayong umaga

Epektibo na ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

May dagdag na 10 sa kada litro ng presyo ng gasolina, habang dagdag na 20 sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Epektibo ang dagdag presyo alas 6:00 ng umaga ng mga kumpanyang Petron, Shell, Flying V, SeaOil, Uniloil PTT, Total, at Petro Gazz.

Alas 12:01 naman ng madaling araw kanina nang maging epektibo ang price adjustment ng kumpanyang Caltex.

Nag-abiso naman ang kumpanyang Cleanfuel na wala itong magiging paggalaw sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

 

 

 

Read more...