Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,800 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Sa sandaling pumasok ng PAR ay papangalanan itong Nika.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area sa loob ng bansa.
Huling namataan ang LPA sa 555 kilometers East ng Infanta, Quezon.
Dahil sa epekto ng LPA at Habagat, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro at SOCCSKSARGEN.
Bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na pag-ulan ang iiral sa
Cagayan Valley, Ilocos Region and Cordillera Administrative Region dahil sa Northeasterly Surface Windflow.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.
Nakataas naman ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babuyan at Ilocos Norte kaya payo ng PAGASA, bawal na pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat.