94 residente sa Central Visayas, gumaling sa COVID-19

Nagkaroon pa ng 22 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 5, 21,189 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,238 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 94 ang bagong gumaling kung kaya 18,660 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,291 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...