Baguio, nakapagtala ng 77 bagong COVID-19 cases

Umabot sa 77 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Lunes ng gabi (October 5), umabot na sa 1,222 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 585 ang aktibo pang kaso.

38 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 621 na ang total recoveries sa Baguio City habang 16 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 3,230 ang aktibo habang 3,127 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 11,015 na residente habang 19,183 ang nakatapos na.

Read more...