COVID-19 cases sa Eastern Visayas, halos 5,000 na

Nadagdagan ng 31 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 621 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (October 5), 4,959 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 652 o 13.15 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 4,258 o 85.86 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 49 naman ang mga residenteng nasawi o 0.99 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...