Navotas City, hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19

Walang bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Lunes ng gabi (October 5), nanatili sa kabuuang 4,945 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 165 ang aktibong kaso o katumbas ng 3.3 porsyento.

10 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,639 na ang total recoveries o 93.8 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili rin sa 141 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...