Kakarampot na budget para sa mga PWD infrastructure, pinuna ni Sen. Grace Poe

Kinuwestiyon ni Senator Grace Poe ang napakaliit na inilaan na bahagi para sa disability-friendly infrastructure sa proposed 2021 budget.

Aniya, P560 milyon lang ang inilaan para sa mga pasilidad para sa mga may kapansanan at kalahating porsyento lang ito ng kabuuang infrastructure budget sa susunod na taon na P1.107 trilyon.

“Halos 1.4 million ang ating mga PWDs (persons with disabilities). Bakit halos walang laman ang salop para sa kanila?” ang tanong ni Poe base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Pinansin din nito na sa mga pampublikong-gusali napakahirap pa rin sa mga PWDs ang gumalaw o kumilos.

“The government should do more for PWDs than just placing signs for reserved seats. Compliance should not be sticker-deep,” diin ng senadora.

Read more...