69 na bagong COVID-19 recoveries, naitala sa Mandaluyong City

Napaulat ang 55 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (October 5), 4,858 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 487 ang aktibong kaso.

20 ang itinuturing na probable cases habang 1,540 ang suspected cases kung saan 16,285 ang cleared na.

69 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,221 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Nanatili naman sa 150 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...