Marihatag, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol ang Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 27 kilometers Southeast ng Marihatag.

Tumama ang lindol dakong 7:20 ng gabi.

Tectonic ang origin ng lindol at 30 kilometers ang lalim.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na hindi nagdulot ng pinsala sa Marihatag at iba pang karatig-bayan.

Wala rin anilang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...