Sa abiso ng PAGASA bandang 7:30 ng gabi, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.
Nakataas ang yellow warning sa Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Sur, Lanao del Norte at Bukidnon.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Samantala, light to occasionally moderate rains naman ang mararanasan sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte na posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
READ NEXT
Inter-Agency Task Force, pinag-iisipang itaas na sa 70 porsyento ang transportation capacity
MOST READ
LATEST STORIES