Pahayag ito ng Palasyo matapos humirit si Labor Secretary Silvestro Bello III na luwagan na ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan para buhaying muli ang ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ‘it is a matter of time’ na lamang bago maibalik ang mass transporation.
“Pinag-iisipan po talaga ‘yan ng IATF dahil alam natin na ang tanging paraan para makaahon sa kahirapan ay ang pagbubukas ng ekonomiya na pupwede naman pong mangyari sa pamamagitan ng pag-ingat ng buhay para makapaghanap buhay. Sa tingin ko po ay it’s a matter of time bago natin maibalik sa 70% itong transportation natin,” pahayag ni Roque.
Matatandaang kamakailan lamang, binuksan na rin ng ng Department of Transportation (DOTr) ang biyahe ng mga provincial bus.