Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na kuntento ang taong bayan sa pamumuno ni Pangulong Duterte.
Base sa Pulse Asia Survey, nanguna sa listahan si Pangulong Duterte na sinundan nina Senate President Vicednte Sotto na may 79 percent, House Speaker Alan Peter Cayetano na may 67 percent at Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 50 percent.
“Naku madam VP mukhang tama ang aking sinabi, mukhang ayaw po ata ng Pilipino ang namumulitika sa panahon ng pandemya. Subukan po nating itigil ang pamumulitika, baka po tumaas ng mas mataas sa 50% ang trust ratings at mas mataas sa pa po sa 57% ang performance ratings,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, nagpapasalamat ang Pangulo sa suporta ng taong bayan.
“So maraming salamat taumbayan. 91% ang binigay sa ating Presidente, sa trust at saka sa performance approval rating,” pahayag ni Roque.