Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na kakayanin ng Department of Education na matugunan ang problema sa sistema sa blended learning.
Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw kung saan 24 milyong estudyante ang magbabalik eskwela sa pamamagitan ng blended learning.
Aminado si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa perpekto ang sistema ngayon ng DepEd dahil sa isyu ng flexible learning kagaya ng modular learning at broadcast at online classes.
Ito aniya ang dahilan kung kaya patuloy na nanawagan ang Palasyo sa Kongreso na bilisan na ang pagpasa sa budget ng DepEd.
Kasabay nito, tiniyak ng Palasyo ang mga estudyante at mga magulang na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para masiguro na maayos ang pagbubukas ng klase ngayong araw sa gitna ng pandemya sa COVID-19.