Pagbubukas ng klase sinabayan ng protesta ng grupo ng mga guro

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

Tinawag na “sunrise protest” ang pagkilos sa bahagi ng Mendiola sa Maynila.

Itinaon ang protesta sa unang araw ng pagsisimula ng klase ngayong araw na paggunita din sa World Teachers’ Day.

Sigaw ng grupo, pondohan dapat ng gobyerno ang ligtas na pagbabalik-eskwela.

Hindi rin anila dapat maiwanan ang mahihirap na mga bata at mga nakatira sa liblib na lugar sa ipatutupad nablended learning.

 

 

 

Read more...