Ayon sa driver na si Robert Santorias ng JMVR Taxi na may plate number PXZ 195, galing siya sa Binondo sa Maynila at pagsapit sa bahagi ng Timog ay napansin niyang may umuusok sa hood ng taxi.
Nagpasya si Santorias na agad pababain ang kaniyang pasahero matapos makita ang usok na nauwi sa tuluyang pagliliyab.
Mabilis namang nakaresponde ang mga tauhan ng Barangay South Triangle kaya agad naapula ang apoy gamit ang fire extinguisher.
Wala ring nasaktan sa nasabing insidente.
Posible umanong faulty electrical wiring ng sasakyan ang dahilan ng pagliliyab.
MOST READ
LATEST STORIES