P25M halaga ng shabu nakumpiska sa Makati City

FILE PHOTO/Erwin Aguilon
FILE PHOTO/Erwin Aguilon

Aabot sa P25 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang drug buy bust operation sa Barangay Magallanes, Makati City.

Ang operasyon ay isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan aabot sa limang kilo ng shabu ang nakumpiska.

Naaresto sa nasabing operasyon ang Chinese National na sina Henry Ti Lam at He Kai Bei gayundin ang kasama nilang Pinay na si Analiza Villegas.

Ayon kay NCRPO Chief Joel Pagdilao, umabot sa isang buwan ang kanilang isinagawang surveillance operation laban sa mga suspek.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu at habang nag-aabutan ay doon inaresto ang mga suspel.

Narecover din mula sa mga suspek ang ilang mga cellphone at ang Nissan Cefiro na may plakang XAY 567 na ginagamit ng tatlo sa iligal na operasyon.

Read more...