Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 88 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, alas-7:50 umaga ng Lunes (October 5).

May lalim na 17 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

Read more...