Sa ulat ng Western Mindanao Command, natagpuan ang bomba sa Barangay Isabela Proper ng mga tauhan ng 16th Special Forces Company ng Philippine Army at Explosives and Ordnance Team ng PNP.
Ayon kay Joint Task Force Basilan commander Colonel Domingo Gobway, ang bomba ay unang nadiskubre ng isang sibilyan.
Tinatayang 1,000 pounds ang bigat ng vintage bomb na nakita ng back hoe operator.
Agad dinala sa 4th Special Forces Battalion headquarters sa Barangay Cabunbata ang bomba.
MOST READ
LATEST STORIES