Sa kaniyang pahayag para sa pormal na pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan, pinasalamatan ni Briones ang mga tumulong upang maisakatuparan ang pagpapatupad ng blended learning ngayong mayroong pandemya ng COVID-19.
Sinabi ni Briones na hindi hahayaan ng DepEd na sirain ng COVID-19 ang edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan.
Kabilang sa pinasalamatan ni Briones ang mga guro na masigasig na tinapos sa tamang panahon ang modules at ipinamahagi sa mga mag-aaral.
Pinasalamatan din ni Briones si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong pagsuporta nito sa programang inilatag ng DepEd upang maisulong ang pagbubukas ng klase.
Gayundin ang mga mambabatas sa senado at kamara.