Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.56 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (October 5) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 178.52 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.65 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.71 meters habang nadagdagan ang ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.41 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 79.26 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga dam.
MOST READ
LATEST STORIES