Bahagi ng Pasig City mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang ilang bahagi ng Pasig City.

Ayon sa abiso ng Manila Water, may isasagawang line meter replacement sa F. Pasco Ave. sa Brgy. Santolan ngayong araw, Oct. 5.

Magreresulta ito sa pagkawala ng suplay ng tubig mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga bukas (Oct. 6) sa Brgy. Santolan.

Samantala, may gagawin ding pipe maintenance activity ang Manila Water sa San Ignacio.

Magreresulta naman ito ng water service interruption mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon sa bahagi ng Brgy. Kapitolyo (San Juan) a]t Brgy. Pineda (San Lucas, San Isidro, San Miguel, San Gabriel, San Gil at Sto. Nino).

 

 

 

 

 

Read more...