Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 110 kilometers southeast ng Governor Generoso, alas-6:26 ng umaga ng Lunes (October 5).

May lalim na 20 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala.

 

 

 

Read more...