Dalawa patay matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Cebu

Dalawa ang nasawi makaraang mabigong makalabas sa nasunog nilang bahay sa Cebu.

Ayon sa Cebu City Fire Office, tinupok ng apoy ang isang residential area sa J. Alcantara Street, Barangay Sambag 1.

Alas 11:38 ng gabi nang itaas sa 2nd alarm ang sunog.

Nang mapasok ng mga bumbero ang nasunog na bahay, natagpuang walang buhay ang mga biktimang sina Dr. Glenda Mayol-Neri, 80 anyos at kasambahay nito na si Francisca Epel Fomentera, 71 anyos.

Natagpuan ang dalawa sa kwarto sa 2nd floor ng bahay.

Naideklarang fire out ang sunog alas 12:10 ng madaling araw.

 

 

Read more...