37 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nasa 37 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Linggo ng hapon (October 4), umabot na sa 1,145 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 546 ang aktibo pang kaso.

18 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 583 na ang total recoveries sa Baguio City habang 16 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 3,107 ang aktibo habang 3,140 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 10,869 na residente habang 19,239 ang nakatapos na.

Read more...