Higit 75,000 pang COVID-19 cases, nadagdag sa India

Nasa 75,829 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (October 4), pumalo na sa 6,549,373 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 937,625 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 82,260 ang mga gumaling.

Dahil dito, 5,509,966 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 101,782 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...