‘No Beep Card, No Ride Policy’ sa EDSA Busway, sinuspinde ng DOTr

Suspendido ang mandatory na paggamit ng beep cards sa EDSA Busway simula sa araw ng Lunes, October 5, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“We are saddened by the refusal of AF Payments, Inc., the provider of the automatic fare collection system (AFCS) at the EDSA Busway, to waive the cost of the beep card despite consistent pleas made by the government,” paliwanag ng kagawaran.

Sinabi ng DOTr na malaki ang magiging epekto nito sa mga commuter, lalo na sa mga daily wage earner na lubos na apektado ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito, papayagan na muli ang dual payment system sa mga pasahero ng EDSA Busway.

Maaari pa ring magbayad ang mga pasaherong nakabili na ng beep cards.

Pwede rin ang cash payment para naman sa mga hindi pa nakakabili ng beep card.

Kokolektahan ng mga tauhan mula sa EDSA Bus Consortia sa mga istasyon ang cash payment.

Tiniyak ng DOTr na nakasuot ang mga tauhan ng face shields, face masks, at gloves upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Meanwhile, the EDSA Bus Consortia stated that they will look for another AFCS provider who can offer a better solution to the existing problem. Meeting with other AFCS providers is scheduled on Tuesday morning,” ayon pa sa kagawaran.

Read more...