Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (October 3), 6,083 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,096 ang aktibo pang kaso.
32 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit kung saan isa ang na-readmit.
Dahil dito, 4,970 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 17 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES