Consular office ng DFA sa Lipa, sarado sa October 5

Sarado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Lipa sa araw ng Lunes, October 5.

Sinabi ng kagawaran na ito ay para sa isasagawang disinfection at ipatutupad na iba pang preventive measures laban sa COVID-19.

Inabisuhan namam ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng lipa.rco@dfa.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula October 6 hanggang November 6, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon).

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Tacloban sa pamamagitan ng email: lipa.rco@dfa.gov.ph

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang CO Tacloban sa Martes, October 6.

Read more...