P1.36-M halaga ng shabu, nasabat sa isang drug suspect sa Cebu City

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit isang milyong halaga ng shabu sa Cebu City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), sa bisa ng search warrant, isinagawa ang operasyon sa Sitio Hoyong-Hoyong, Barangay Mambaling dakong 3:15 ng hapon.

Nagresulta ang operasyon sa pagkasawi ng drug suspect na si Alexander Dalion, 58-anyos na retiradong pulis.

Nakuha rito ang 22 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkalahalaga ng P1,360,000 at iba pang non-drug evidence.

Read more...