Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (October 3), umabot na sa 319,330 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 58,606 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,674 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 2.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 62 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,678 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 459 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 255,046 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.