Abra De Ilog, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Abra De Ilog, Occidental Mindoro.

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang lindol sa layong 19 kilometers Northwest ng naturang bayan.

Naitala ang pagyanig bandang 1:03 ng hapon.

123 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Ayon sa ahensya, walang naitalang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...