Kaalyado ni Marinduque Rep. Velasco na si Rep. Mikee Romero sinibak bilang Deputy Speaker ng Kamara


Kasunod ng agawan sa speakership post nagkaroon ng rigodon sa liderato ng Kamara.

Sa sesyon ngayong araw, inalis bilang Deputy Speaker si 1-PACMAN Rep. Mikee Romero na malapit na kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Pinalitan si Romero ni Capiz Rep. Fredenil Castro.

Nauna rito sa kanyang privilege speech nanawagan si Castro sa mga kongresista na kaalyado ni Velasco na may posisyon sa liderato ng Kamara.

Para kay PBA Rep. Jericho Nograles, insulto sa Partylist Coalition ang pagsibak kay Romero na tumatayong presidente nito.

Ang Partylist Coalition ang ikatlo sa pinakamalaking bloc sa Kamara.

Read more...