Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 2, umakyat na sa 10,544 ang bilang ng mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 79 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,002 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 6,749 naman ang bilang ng overseas Filipinos na naka-recover sa sakit o na-discharge na sa ospital.
Habang 793 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Sumunod ang Europe na mayroong 1,199 cases; ang Asia Pacific Region na may 1,435 cases at Americas na mayroong 810 cases.
READ NEXT
PAGASA nagpalabas na ng La Niña advisory; mas madalas na pag-ulan mararanasan sa huling bahagi ng taon
MOST READ
LATEST STORIES