Dating Malolos Mayor Christian Natividad itinalaga ni Pangulong Duterte bilang chairman ng OMB

Kinumpirma ng Malakanyang ang pagtatalaga kay dating Malolos Mayor Christian Natividad bilang chairman ng Optical Media Board (OMB).

Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“The Palace confirms the appointment of Mr. Christian Dionisio Natividad as member, representing the academe, and Chairperson of the Optical Media Board, for a term of three years,” sinabi ni Roque.

Sinabi ni Roque na umaasa ang palasyo na sa ilalim ng pamumuno ni Natividad ay mapaigting pa ang paglaban sa optical media piracy at pagprotekta sa intellectual property rights.

Si Natividad ay tumakbong Bulacan governor noong 2019 midterm elections sa ilalim ng partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban pero natalo it kay Governor Daniel Fernando.

 

 

 

Read more...