Navotas City LGU nakapagsagawa na ng mahigit 33,500 na COVID-19 test

Umabot na sa 33,597 ang naisagawang COVID-19 test sa Navotas City Government.

Ayon sa abiso ng Navotas LGU, ngayong araw, 223 na resulta ang dumating mula sa mga panibagong naisagawang test.

Sa nasabing bilang, 6 ang nagpositibo sa COVID-19 habang 217 naman ang negatibo.

Mayroong tatlong paraan upang makuha ang resulta ng test.

Una ay tignan ito sa sumusunod na mga link:

– https://redcross.com.ph/verify
– https://www.redcross1158.com
– https://www.coastguard.gov.ph

Ikalawa ay mag-email sa resultsplease@redcross.org.ph

At ikatlo ay makipag-ugnayan sa barangay o health center.

 

 

 

 

 

 

Read more...