Partikular na inabisuhan ng DFA ang mga personnel ng international organizations (IOs) at non-government organizations (NGOs) na mayroong humanitarian projects o speaking engagements sa Iraq.
Ayon sa DFA, kung kakayanin ay marapat na ipagpaliban na lamang muna ang pagbiyahe.
Kung ang biyahe naman maaaring ipagpaliban, sinabi ng DFA na dapat maging maingat at alamin ang mga active curfews na ipinatutupad sa pupuntahang probinsya sa Iraq.
Pinaiiwas din ang mga magtutungo sa Iraq sa pag-book ng flight ng masyadong maaga o kaya naman ay gabing-gabi ang oras ng dating sa Baghdad, Basra at iba pang paliparan sa Kurdistan Region dahil baka maabutan sila ng curfew.