US President Donald Trump, First Lady Melania Trump kapwa maayos ang kondisyon

Kapwa maayos ang kondisyon nina US President Donald Trump at asawa nitong si Melania Trump.

Ito ay makaraang magpositibo ang dalawa sa COVID-19.

Sa inilabas na report ng doktor ni Trump na si Dr. Sean Conley, kapwa maayos ang lagay ng mag-asawa at mananatili sila sa White House sa kasagsagan ng quarantine.

Sinabi ni Conley na masusi niyang babantayan kasama ang White House Medical Team ang kalagayan ng mag-asawang Trump.

Sinabi ni Conley na makagaganap din ng tungkulin si Trump habang nagpapagaling.

 

 

 

 

 

 

Read more...